Angel, takot pagselosan ni Marianita?

NAKATSIKAHAN namin si Angel Locsin sa taping ng ‘TodaMax’ nu’ng Martes sa ABS-CBN na palabas tuwing Sabado ng gabi. Pumayat ang Primetime Queen bilang paghahanda sa sinu-shoot nilang pelikula nina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban na may working title na “One More Try.”

“Kaka-start lang namin. Ang bilis ni Direk (Ruel Bayani). Medyo konti-konti pa lang eksena namin. Marami kay Zanjoe (Marudo) dahil pareho kaming taga-Baguio. First time ko na katrabaho si Dong pero naging director siya sa ‘Angels’ (prodyus niyang movie noon), marami sila pero si Gina Alajar sa episode ko. Sobrang okey siya.

Hindi sadya pero parang mino-motivate ka niya sa scene. Maalaga siya. Walang ilagan. Nu’ng umpisa medyo nangangapa sa ka-partner mo, ‘di ba? Ako rin balik-pelikula, galing sa sitcom kaya nangapa-ngapa ako. Pero basta ang kaeksena mo, ipinaramdam na okey ka, aalagaan kita at saka okey ako kahit ano ang gawin mo, walang isyu, walang anything, masarap masarap katrabaho,” sambit niya.

Hindi ba niya naisip na baka pagselosan siya ni Marian Rivera sa pagsasama nila ni Dingdong?

“Naku, naisip ko ‘yun na baka may isyu na ganoon. ‘Yun ang ayaw ko kasi ayaw kong maragdagan kung ano man yung isyu sa amin. Sa totoo lang, after nu’ng transfer ko, wala naman kaming napag-usapan ni Marian.”

“‘Yung Shop & Share na lang talaga na nag-donate siya sa amin. Iniisip siguro ng mga tao na magkaaway kami pero wala talaga kaming isyu. ‘Yun lang, parang siyempre nakakahiya rin kay Marian na may mababasa siyang isyu o kaya mapipilitan siyang sumagot sa isyu na… baka  sabihin niya, ano’ng kinalaman ko riyan, hindi ko naman trabaho ‘yan? Sana ‘wag na lang intrigahin. Kasi kahit ako, hindi ko naman isyu ‘yan, ba’t ko sasagutin, di ba?,” pahayag pa niya.

Kumusta naman ang paggawa niya ng sitcom gaya ng TodaMax?

“Okey, masaya, lagi ko namang sinasabi na dapat hindi naman ako kasali talaga rito kasi original casting wala ako. I felt blessed talaga dahil naipakita ko ‘yung other side ko kasi usually drama ang ginagawa ko or hayop  mga ganoon. Nakailang hayop na ba ako? Parang eto, something new naman na marami ang nagulat na nakikita ‘yung kalog side ko o ‘yung pagkaluko-loko ko.”

“Nu’ng una talaga sobrang takot kasi sila Vhong (Navarro), magaling talaga sa comedy. Pag nag-adlib mabilis, ‘yung pick-up…in character. Sila Kuya Binoe, ganoon din, pinag-aaralan talaga ‘yung characters nila. Pero naka-alalay sila pag feeling ko akward ako. Kausapin ko lang sila, tinutulungan nila ako. Kahit sina direk ganoon.

Walang pressure. Sa set namin, happy. Nai-enjoy ko talaga ang sitcom,” kuwento ni Angel.

Sa Sabado ay babalik na si Pokwang sa ‘TodaMax’ pagkatapos niyang mawala dahil nag-concentrate sa taping ng ‘Aryana’. Na-miss ba niya si Pookie?

“Sobra. Ang laking kulang, honestly talaga, ang laking kulang nu’ng mawala si Ate Pokwang. Iba kasi ‘yung nako-contribute niya sa humor, hindi namin kaya. Hindi kaya ni Kuya Binoe, hindi kaya ni Vhong, lalong hindi ko kaya ‘yung mga ipinakikita niya. Ang lola mo kasi sobrang busy. Naawa nga ako kasi every taping namin, galing pa siya ng Batangas, pasalamat kami kasi pinilit pa rin niya, instead na ipahinga niya, di ba?” aniya pa.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply