Angelica Panganiban crush ni Bugoy Carino!

PINAG-UUSAPAN sa Twitter World ang masaklap na nangyari kay Amalia Fuentes.

Ayon sa Tweet ni Laila Chikadora, sinaksak daw ng payong sa likod si Nena ng asawa nang nangungupahan sa kanya sa 4th street New Manila, Q.C. Kahit daw ang anak nitong si Jeric ay maraming galos dahil sa gulong nangyari.

Pinuntahan lang nina Amalia at Jeric ang tenant para ipaalam na talbog diumano ang tseke na inisyu ng mga ito pero nauwi sa pisikalan. Nakatakas raw  ang mga nanakit sa mag-ina habang na-confine naman sila sa ospital para sa mga tests na gagawin ng mga doktor sa kanila.

Ayon pa kay Laila, medyo malalim ang sugat ni Amalia sa likod. Ang bp nito ay nag-shoot up to 185/110. She was ct scanned na sa brain kasi she suffered some punches rin habang umaawat sa away ng anak. Nangangamoy demanda- han na naman ito dahil sa nasabing insidente. Sana’y maging okey ang kalagayan ni Amalia. (Super okay kapatid and her feistiness has never been diminished one iota! – Ed)

-0o0-

NATATAWA ang mga press na dumalaw sa taping ng ‘TODA Max’ ng ABS-CBN na napanonood tuwing Sabado ng gabi dahil sa rebelasyon ni Bugoy Carino.

Mare kasi ang tawagan nila ng kaibigan niyang si Zaijan Jaranilla.

“Ewan ko dun kung bakit gusto niya kumare ang tawagan namin. Sabi ko nga sa kanya dapat kumpare e,” natatawang kuwento ni Bugoy.

Marahil nakikita at naririnig ng mga bata na uso ang batian ng ‘mare’ sa showbiz lalo na ang mga bading kaya napapagaya sila. Ha!ha!ha!

Wala pang serye si Bugoy after ‘Eboy’ pero may dalawa raw siyang natapos na movie, ang Ben Tambling na bida si Jeriko Ejercito at Alagwa, na bida naman si Jericho Rosales. Napanonood din siya sa ‘ASAP 2012’.

May image na playboy si Bugoy kahit nine years old pa lang siya at kinumpirma rin ni Zaijan ‘yun nung presscon ng Lorenzo’s Time. Matuk mo, si Angelica Panganiban na ang crush niya!

“Sexy at maganda po si Angelica kaya crush ko siya,” sey pa ni Bugoy.

Tsuk!

-0o0-

PATOK ang team up nina Angeli Gonzales at CJ Navato dahil viral na ito sa mga social networking sites tulad ng Facebook at Twitter. Ang CJeli loveteam ay hindi din nakaligtas sa mga intriga.

Ayon sa kumakalat na balita ay tulad ng kanilang ginagampanan sa LUV U bilang magkasintahan, ganoon na rin ang dalawa sa totoong buhay.

Medyo kinikilig na ngumiti lang si Angeli at sinabing magkaibigan lang sila ng binata. “Nag-eenjoy lang po kami sa set kasama yung mga iba naming kaibigan.”

Parehong kinumpirma nina CJ at Angeli na ang focus nila ngayon ay nasa pag-aaral at trabaho.

Samantala, sa LUV U na napanonood tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 2012, nalaman na ni April (Angeli) na hindi para sa kanya ang paborito niyang pabango na nakita niya sa loob ng bag ni Boom (CJ). Imbes na sa kanya ibigay para sa kanilang monthsary, kay Pia (Trina) ito ibinigay ni Boom.

Ano na kaya ang mangyayari sa relasyon ng dalawa? Makalusot kaya si Boom sa sitwasyong ito?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply