Annabelle Rama nag-sorry na sa pamilya Quizon

HUMINGI na ng paumanhin ang kontrobersyal na talent manager na si Ms. Annabelle Rama sa pamilya Quizon kaugnay sa iskandalong naganap mismo sa burol ni Comedy King Dolphy kagabi sa pagitan nila ng showbiz reporter na si Chito Alcid.

Sa panayam ngayong umaga ng DZMM sa talent manager sinabi nito na kagabi pa siya nakahingi ng paumanhin sa pamilya ni Tito Dolphy.

Maging sa mga taong na-offend sa nangyari partikular ang mga netizen, na nagpahayag muli ng pagkadismya kay Rama, ay humingi na rin ng paumanhin ang talent manager.

Aniya, wala siyang intensyon na manggulo sa nasabing lugar.

Sinabi pa ni Rama na bago pa siya pumunta sa burol ay may nag-text na umano sa kanya at binalaan siya na magtutungo rin doon ang kanyang mga kaalitan, partikular na tinukoy ni Annabelle sina Amalia Fuentes at Daisy Rumualdez.

Nilinaw din ng talent manager na nangyari ang “paghaharap” nila ni Alcid sa likod ng pinagbuburulan ng Comedy King.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply