Annabelle Rama ipina-blotter na ni Alcid

NAGTUNGO ngayong araw sa Taguig City Police ang beteranong reporter na si Chito Alcid upang ipa-blotter ang panghahampas sa kanya ng talent manager na si Annabelle Rama noong burol ni Comedy King Dolphy sa Heritage Park.

Ayon sa Taguig PNP , lumitaw si Alcid sa kanilang headquarters , hindi upang magsampa ng reklamo kundi para ipa-blotter ang kaguluhan kung saan ayon sa kanyang pahayag sa pulisya, hinabol siya ni Rama hawak ang isang bread knife, nagpaikot-ikot sila sa dining room ng Heritage at nang maabutan ay hinampas siya ng isang mahabang tungkod sa harap ng mga nakasaksi na mga artista na naroon dakong alas-10 ng gabi.

Natigil lamang aniya ang pag-atake sa kanya ni Rama ng umawat ang mga taong naroon sa Heritage Park.

Hindi naman kailangan pang humarap si Rama o sagutin ang mga reklamo ni Alcid ng personal ayon sa mga imbestigador ng Taguig Police, subalit kung maghahain umano si Alcid sa piskalya ng kaso laban sa talent manager ay saka lamang  ipatatawag ng korte si Rama upang harapin ang kasong isasampa sa kanya .

Matatandaang kinasuhan noon ni Rama si Alcid ng kasong libelo sa Cebu, kaya nang magsanga ang kanilang daan sa Heritage Park ay nagkainitan at nagkapalitan ng maaanghang na salita ang dalawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply