Annabelle Rama, showbiz writer ‘nagkainitan’ sa burol ng Comedy King

KONTROBERSYAL talaga ang talent manager si Annabelle Rama.

Sa kanyang pagdalaw sa burol ni Comedy King Dolphy ay bahagyang nagkagulo umano matapos na magkainitan ito at ang showbiz writer na si Chito Alcid.

Sa ulat, sinabi ni Chito Alcid na bigla na lamang daw siyang sinugod ng talent manager sa loob ng comfort room (CR).

Iniwasan umano niya ang talent manager ngunit hinabol siya nito.

Saksi umano sa naturang pangyayari ang ilang artista at pamilya ng Comedy King.

Nag-ugat umano ang tinuran ng talent manager sa mga naisulat ni Alcid sa kanyang Facebook at Twitter account.

Sa pahayag naman ng talent manager, sumunod sa kanya sa CR si Alcid at doon siya hinarap kaya hinampas niya ito.

Binalaan pa ni Annabelle ang showbiz writer na huwag pakikialaman ang anak nito dahil wala umano itong kasalanan sa kanya.

Napawi ang tensyon nang maawat ni German “Kuya Germs” Moreno si Annabelle Rama.

Kapwa umalis agad sa lugar ang magkabilang kampo.

Samantala, habang tinitipa ito, may lumabas na ulat na magsasampa umano ng kaso si Alcid laban kay Rama.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply