Annabelle vs Chito Alcid pinakamainit na laban ng taon

ANG labanag Chito Alcid versus Annabelle Rama ang pinakamainit na “laban ng taon.” Tinalbugan nito ang “labanang Nadia vs Annabelle,” “Mayor Asistio vs Annabelle,” at “Amalia vs Annabelle”.

Hindi talaga matapus-tapos ang coverage nito sa dyaryo at patuloy na pinag-uusapan. Napadawit din sa intriga si Ms. Mila del Sol dahil ang kanyang mahiwagang baston pala ang ginamit ng madir ni Ruffa Gutierrez laban kay Mareng Chito.

Ang showbiz talaga.

Nakaaaliw!

***

VG Daniel at Gov. Willy pinarangalan si Dolphy

PINAKAUNANG nagbigay ng parangal kay Dolphy ang tandem nina Gov. Willy Alvarado at VG Daniel Fernando sa Heritage Park.

Iginawad nila kay Dolphy ang Gawad Dangal ng Lipi Award. Si Inang Salud Vera, Inang ni Dolphy ay Tubong Balagtas, Bulakan.
]

Nakikiisa sina Vice Gov. Daniel Fernando at Gov. Willy sa pagpaparangal at pagmamahal kay Dolphy bilang kasamahan sa Industriya. Saludo at nagmamahal si Vice Gov. Daniel kay Dolphy.

***

Bokal Michel Fermin, darling of the press

SA HANAY ng mga Bokal sa Bulacan ay kinikilala si Bokal Michael Fermin na Darling of the Press. Siya rin ang the Most Friendly Politician ng Bulacan.

Nakapanayam si Bokal Michael Fermin ng Remate sa pangunguna nina Pete Ampoloquio, Jr. at Abe Paulite. Tambak na local media ang kumapanayam kay Bokal Michael dahil tulad ni Vice Gov. Daniel, bongga rin ang PR nito kaya napahanga niya sina Pete at Abe sa kanyang kabaitan.

Number one Bokal of Bulacan naman kasi si Papa Michael.

***

Derick Monasterio, mana sa kabaitan ng ina

MANANG-MANA sa kabaitan ng kanyang Mother Actress na si Tina Monasterio ang bagets Idol na si Derick Monasterio. Mabait din ang kanyang Lola Lydia na ina ng alaga natin noong si Ms. Tina Monasterio.

No wonder, lumaking mabait at magalang si Derick. Like Mother Like Son talaga.

Congratulations po!

***

Mga sikat na personalidad sa Bulacan

ANG mga sikat na personalidad sa Bulacan ay sina Vice Gov. Daniel Fernando, Congresswoman Marivic Alvarado, Mayor Christian Natividad of Malolos, Mayor Ferdie Estrella of Baliwag, Bokal Toti Ople, ABC Diony Mendoza of Malolos. Sa showbiz naman ay si Jake Vargas ng Pulilan at Daniel Padilla ng Plaridel.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply