Ano ang nangyayari sa DENR?

‘PUNONG-PUNO na si Rep. Angelo Palmones ng Agham partylist sa kapalpakan ng liderato ng Department of  Environment and Natural Resources.

Bakit kanyo? Aba’y, pinananawagan na ng butihing kongresista ang pagbibitiw sa puwesto ni DENR Sec. Ramon Paje.

‘’Di lang si Cong. Palmones ang nais na lumayas na si Paje sa DENR kundi marami pang ibang personahe at grupo na nagmamalasakit sa kalikasan. Marami na raw kasing atraso si Paje kaya sukdulan na ang galit ng mga nagmamahal sa kapaligiran “kaya ‘di na siya dapat mag-tagal pa sa DENR”.

Ani Rep. Palmones, lahat ng walang silbi para protektahan ang ating mga likas na yaman, kalikasan at kapaligiran ay dapat nang pagsisipain ni  Pangulong Aquino.

At unahin na raw tanggalin ni PNoy si Paje dahil ‘di naman daw ginagawa ang trabaho bilang kalihim ng DENR.  Panahon, aniya, para magsa-gawa si PNoy ng top-to-bottom revamp sa DENR.

Mukhang sila pa kasi ang nagpoprotekta sa mga negosyanteng sumasalbahe sa likas na yaman ng ating bansa. Ayon kay Rep. Palmones ang mga bugok na DENR officials ay hindi marurunong sumunod sa utos ng  Supreme Court.

Hanggang ngayon ay bigo si Paje na ipaalis ang Korean floating restaurant na nagtatapon ng untreated waste direkta sa Taal Lake.

Ang pesteng Korean restaurant ay exclusive lamang para sa Korean nationals at iba pang foreign tourists. Paano ito nakakuha ng permit sa alkalde ng Talisay, Batangas gayong ipinagbabawal ito?

Pag-aari ang restaurant-resort ng Jung Ang and Leisure Inc., at ito ay matatagpuan sa gitna ng Taal Lake. Nag-utos ang korte na alisin na ito pero hindi kumikilos ang DENR para ipatupad ang order.

Sa halip, patuloy ang Korean-owned floating restaurant na gawing malaking toilet at tapunan ng kanilang mga ebak ang kagandahan ng lawa.

Imbes mga tawilis at maliputo ang mahuli ng mga mangingisda sa Taal Lake, malamang e puro ebak ng mga Koreano raw ang kanilang malambat at mabingwit.

‘Di lang daw ang Korean floating restaurant ang suma-salbahe sa kalikasan, kundi ilan pang mining companies sa buong bansa.

Ano na ba ang nangyayari sa DENR at ‘di masawata ang mga sumasalahula sa kalisakan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply