Anti-piracy teams, ikinasa ng QCPD

PARA masawata ang hayagang pagbebenta ng pornographic videos sa mga bangketa ay ikinasa ng Quezon City Police District (QCPD) ang special teams na magmo-monitor at magbabantay upang hindi kumalat ang pirated VCDs at DVDs sa lungsod.

Sinabi ni QCPD director Chief Supt, Mario dele Vega na isang team ang ipoporma sa bawat 12 istasyon ng QCPD bilang parte ng city police’s anti-piracy drive.

Ikinasa ito ng QCPD chief matapos makipagpulong kay  Optical Media Board (OMB) chairman Ronnie Ricketts.

“Our commitment [to Ricketts] is that we will create dedicated teams for this purpose only,” pahayag ni Dela Vega.

Binubuo aniya ang bawat team ng dalawa hanggang tatlong pulis na siyang iikot sa mga bangketa at sa pampublikng palengke para tingnan kung may itinitindang VCDs at DVDs.

Kapag ang pagmo-monitor ay naging positibo, magpapadala ng police teams sa lugar para magkasa ng pag-aresto at pagkumpiska.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply