Anti-smuggling campaign ng BoC, taranta na sila

SA unang sigwada pa lamang ay ikot na ang mga wetpu ng mga namamahay na smuggler na gumagawa ng mga iligal na negosyo sa bakuran ng Bureau of Customs (BOC).

Halos hindi malaman ng mga ismagler ang kanilang gagawin dahil sa pagkalugi ng kanilang mga iligal na negosyo sa Aduana dahil sa walang tigil na anti-smuggling campaign na ginagawa ng Customs. Ang isang eksampol diyan ay ‘yung pagkakasabat  ng Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service operatives sa pamumuno ni Bienvenido Rubio ng  40 footer container vans ng illegally imported onions na nagkakahalaga ng P10M mula sa China.

Sa pahayag ni Customs Comm. Ruffy Biazon, ang illegal imported onion ay dumating sa MICP sa tatlong magkakahiwalay na shipment at naka-consign sa tatlo ring trading companies. Ito ay ang Kremple Import Export  Trading, RSG Marketing at Reachable Enterprises.

Aba, akala siguro ng mga smuggler ay sasantuhin sila ni Biazon ganung may ipinangako siya kay Pangulong Noynoy Aquino na kanyang uubusin ang mga namamahay na smuggler sa Aduana.

Alam n’yo ba na ang mga sibuyas ay idineklarang dry goods ng importers nito?

Nagtatangka pa lamang silang magpuslit ng kanilang mga kargamento ay huli na kaagad sila kay Biazon. Para kay Biazon ay inaamag na ang style nilang “misdeclaration” dahil mas lalo niyang pinalakas ang monitoring sa pagparoo’t pagparito ng mga cargo sa  iba’t ibang pantalan.

GAYBAR DISCO FRONT NG PROSTI

Hindi pa rin kumikilos ang PNP sa pagsugpo sa pinagsisimulan ng prostitution sa Parañaque, ang White Bird Gay Bar Disco na nasa Baclaran cor. Roxas Blvd. Paging IJM, pakidaklot ang bahay aliwan ng mga bading, matrona at mga babaeng club.

Anomang reklamo o puna ay i-text lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply