AO 2012-009 ng DOH, imoral – Obispo

KINONDENA ng Catholic Church ang ipinalabas na Administrative Order 2012-009 ng Department of Health (DOH) na umano’y naglalayong kontrolin ang populasyon sa pamamagitan ng pagpapamudmod  ng contraceptives.

Sinabi ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes na napaka-imoral ng naturang kautusan at maihahalintulad ito sa Reproductive Health (RH) Bill na mahigpit na tinututulan ng Simbahan at mga pro-life groups dahil sa pagiging banta nito sa kasagraduhan ng buhay at pamilya.

Tiniyak rin ng Obispo na idudulog nila kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III ang hindi makataong administrative order sa nakatakdang pakikipag-usap ni PNoy sa mga Obispo ng Simbahang Katolika ngayong linggong ito.

“My reaction with that is terrible! Very disappointing! All of us Bishops for sure will not agree with that! What is happening to us now? Talagang gumagawa sila ng iba’t ibang paraan para lamang maisulong nila ang RH bill. For sure idudulog namin ito kay Pangulong Aquino sa nakatakdang pakikipag usap niya sa amin, two days from now!”  ayon pa kay Bastes, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Sinabi naman ni Father Melvin Castro, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) –Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), ang kautusan ng DOH ay nangangahulugan lamang na hindi na kinakailangan pa ang RH bill dahil magkamukha lamang ang mga ito.

“May utos na ang secretary ng DOH. Ito na yun. Hindi ko alam kung ano pa yung gusto nilang isabatas e. Ito na ang gusto nilang gawin e,” sinabi ng CBCP official, na nagpahayag rin ng pagtutol sa nasabing kautusan.

Noong Hunyo, matatandaang inianunsiyo ni Health Secretary Enrique Ona na maglalaan sila ng P500 milyon para sa family planning commodities at suplay sa community health centers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply