Aplikante sa RERT ng MMDA, dumagsa

DAAN-DAANG aplikante ang dumagsa sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang ianunsiyo ng naturang ahensiya ang pangangailangan nila ng mga nurse, paramedics at physical therapist para sa kanilang Road Emergency Response Team.

Madaling araw pa lamang nang magsimulang magtipon-tipon ang mga aplikante sa harap ng gusali ng punong tanggapan ng ahensiya sa Orense St., Makati City hanggang sa dumagsa na ang mga nagnanais na magkaroon ng trabaho bago pa lamang mag-tanghali.

Marami naman sa mga aplikante ang kaagad na naisailalim sa interview at pinakuha kaagad ng pagsusulit dakong ala-1 ng hapon matapos ihayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino na tatapusin kaagad nila ang proseso sa pagtanggap ng aplikante ng hanggang araw ng Biyernes.

Ang mga matatanggap na aplikante ay isasailalim sa puspusang pagsasanay bago italaga sa Road Emergency Response Team na karaniwang naitatalaga sa madaling araw kung saan madalas ang pagkakaroon ng aksidente sa lansangan.

Sinabi ni Tolentino na bagama’t hindi naman kalakihan ang sahod, nilalakad na niyang magkaroon ng hazard pay ang mga makukuhang nurses, paramedics at physical therapists lalu na’t nasusuong din sila sa panganib sa pagliligtas sa mga nasasangkot sa iba’t-ibang uri ng aksidente.

Napagalaman na karamihan sa mga datihang miyembro ng paramedics team ng MMDA ay nagbitiw na sa tungkulin makaraang matanggap sa ibang bansa kaya’t nangangalap ng bagong aplikante ang ahensiya.

Maglalagay ang MMDA ng 14 na paramedic stations sa mga lugar sa Metro Manila na madalas ay pinangyayarihan ng mga aksidente sa lansangan.(

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply