Architecture course, ikonsidera – DOLE

HINIMOK ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga magtatapos na high school students na ikonsidera ang pagkuha ng karera sa arkitektura kung nais ng mga ito na kaagad na makapagtrabaho.

Batay sa DOLE report, Project JobsFit: The DOLE 2020 Vision, ang arkitektura ay isa sa mga mahirap punuang trabaho sa susunod na sampung taon.

Sinabi naman ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, nagsasagawa na ng pag-aaral ang DOLE kung anu-anong mga kurso o trabaho ang in demand o mahirap punuan upang matulungan ang mga estudyante na makahanap agad ng trabaho pagkatapos mag-aral sa kolehiyo.

Ayon sa Kalihim, sa pamamagitan din nito ay maiiwasan na rin ang malaking suliranin sa job mismatch o yung trabaho ay hindi angkop sa tinapos na kurso.

Nabatid na ang degree sa architecture ay umaabot ng P30,000 – P45,000 per semester sa mga private schools, habang mas mababa naman ng 20 – 40 porsyento sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Baldoz, ang isang architect ay maaaring sumuweldo ng P18,000 – P40,000 kada buwan depende sa employer nito.

Kung sa ibayong dagat naman, aniya, ay maaaring sumuweldo ang isang architect sa Middle East halimbawa ng $1,500 hanggang $3,000.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply