ARMM certified voters at Ramadhan Kareem Al-Mubarak!

NGAYONG natapos na ang isinagawang voters re-registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), masasabi nating sa pagkakataong ito ay siguradong magiging patas at malinis na ang darating na halalan.

Kumbaga,  sa darating na botohan na magkakaalaman kung sinong politiko talaga ang nasa puso ng mga botante.

In short, ang mananalo sa 2013 elections eh maituturing na genuine — hindi nanalo dahil sa daya kundi nanalo dahil sila ang pinili ng taumbayan.

-000-

Kung hindi isinagawa ang re-registration sa ARMM, sigurado na ang kalahating milyon na flying voters ang muling magpapanalo ng tiwaling politiko.

Biruin nyo nga naman na mula sa 1.5 milyon na nakarehistrong botante sa ARMM ay nalinis ito sa isang milyon na lamang?

Na ang ibig sabihin ay kalahating milyong flying voters ang pakawala ng mga madadayang politiko maluklok lamang sa pwesto na kanila nang nakagawian ng halos ilang taon din?

-000-

Kaya naman ay sobrang pasasalamat ng mga mamamayan sa ARMM na itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III bilang gobernador si Mujiv Hataman dahil nagawa niyang ipatupad ang matuwid na daan.

Kung hindi pa pinursigi ni Mujiv ang paglilinis sa listahan ng mga botante sa ARMM, tulad ng inaasahan, imposible pa rin ang malinis na botohan dito.

-000-

Kapuri-puri rin ang isinagawa ng Comelec na pag-screen sa mga nagparehistro.

Aba’y kung naging pabaya sila, malamang eh muli pa ring mababahiran ng daya ang darating na eleksyon dahil umabot din sa mahigit 50,000 menor-de-edad ang nagtangkang magparehistro.

Mga menor-de-edad na tinangkang gamitin ng mga hunghang na politiko para sa kanilang pansariling kapakanan.

Dahil kung nagkataon at hindi ito naharang, hindi lamang mababalewala ang 10 araw na pagod ng Comelec para maging malinis lamang ang darating na halalan, kundi maging ang nagkaisang desisyon ng Kongreso na ipaglaban ang re-registration sa ARMM.

Kaya ngayong all-set na ang ARMM para sa eleksyon, maipagmamalaki nating certified voters na lamang ang makaboboto na katumbas na rin ng inaasahang malinis at mapayapang halalan.

-000-

PAGBATI

Nais batiin ng inyong lingkod ang lahat ng ating mga kapatid saan mang dako sa mundo ng Ramadhan Kareem Al-Mubarak!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply