ARMM general registration walang extension

HINDI na magpapatupad pa ng extension ang Commission on Elections (Comelec) sa idinaos na general registration ng mga botante sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang 10-araw na general registration sa rehiyon ay sinimulan noong Hulyo 9 at magtatapos ngayong araw.

“No extension of registration in all ARMM provinces. Rumors on extension not true,” ayon pa kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr..

“There has been no extension of ARMM General Registration. Today (Wednesday) is the last day,” pagkumpirma naman ni Comelec Spokesman James Jimenez.

Matatandaang nagdaos ng general registration ang Comelec matapos na ipawalang-bisa ng Kongreso ang book of voters sa ARMM dahil sa discrepancy sa bilang ng mga botante nito mula sa kabuuang populasyon ng rehiyon.

Batay sa report ng Comelec, may isang milyon katao na ang nagpatala bilang botante mula sa tinatayang may 1.2 milyon botante sa ARMM.

Sa nasabing bilang sinasabing may 50,000 menor de edad ang nahuli na nagtangkang magparehistro.

Gayunman, sinabi ni Brillantes na tinanggap lamang nila ang aplikasyon ng mga ito upang makaiwas sa anumang hindi kanais-nais na pangyayari ngunit hindi awtomatikong makakasama ang kanilang mga pangalan sa master list ng mga botante.

Sinabi ni Jimenez na ayaw na nilang magsayang ng panahon sa pagsala ng mga aplikante sa mga presinto dahil maikli lamang ang panahong inilaan para sa naturang general registration.

Ipinaliwanag ni Brillantes, na aayusin pa rin nila ang listahan at pipiliin lamang ang mga kuwalipikadong magparehistro upang mapabilang sa master list.

“If we start screening these minors and double registrants as they enter the precinct, this would delay the process. We would rather that we take note of these people as they register and then we will do the final screening after the 10-day registration,” ani Brillantes.

Ani Brillantes, inaasahan na rin naman ang pagdagsa ng mga underage na aplikante, kung saan batay sa kanilang pagtaya ay aabot sa 10,000 menor de edad ang magpapatala sa bawat lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply