ARMM, may pinakamababang mortality rate sa mundo

KINUMPIRMA ngayon ng Department of Health (DOH) na ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang may pinakamababang infant mortality rate sa buong mundo.

Ayon sa DOH, sa tala ng ARMM Health Regional Center, sa bawat 1,000 ipinapanganak ay mayroon lamang 18 na namamatay na sanggol.

Sinabi naman ni ARMM Health Regional Secretary Dr. Kadil Sinolinding, na dahil sa masusi nilang kampanya  sa tamang pagpaplano ng pamilya ay nakamit nila ang mababang infant mortality rate.

Ayon sa opisyal, ito ay sa kabila na rin ng limitasyong natatanggap kaugnany sa maternal at infant health care.

Sa international standard kaugnay sa millennium development goal, sa katapusan ng 2015 ay hindi dapat makapagtala ng mahigit pa sa 19 na namamatay sa bawat 1,000 na ipinapanganak na sanggol, kaya naman puspusan pa rin ang DOH sa pagbibigay ng tamang impormasyon para sa kalusugan ng mga ina sa pagpaplano ng pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply