ARMM nalinis sa re-registration

BUONG pagmamalaking ipinahayag ng Malacañang na sigurado na ang malinis na halalan sa 2012 dahil sa katatapos na voters re-registration sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ani Presidential Spokesman Edwin Lacierda, pinapasalamatan ng palasyo ang uniformed personnel na nagpanatili ang kapayaan sa loob ng 10 araw sa ARMM habang isinasagawa ang rehistrasyon.

Ayon kay Lacierda, mula sa dating 1.8 million, nalinis na ng Comelec sa 1.2 million ang mga botante sa ARMM.

Dahil dito, aasahan aniyang tunay na boses na ng ARMM ang mangibabaw sa susunod na halalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply