ARMM registered voters nasa 1.5 milyon na

PUMALO na sa mahigi isa at kalahating milyong botante ang nakapagparehistro sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa talaan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), umabot na sa 1, 778, 817 ang mga botante sa ARMM na nagparehistro.

Ayon sa PPCRV, sa naturang bilang ay may 179,811 na ang rehistradong botante sa Basilan .

May 341,536 registered voters naman sa Sulu; 167,610 sa Tawi Tawi; 522,417 sa Lanao del Sur at 567, 443 sa Maguindanao

Ang 10 araw na general voters’ registration sa ARMM ay bilang paghahanda sa 2013 midterm elections na sinimulan noong Hulyo a- 9 at magtatapos sa Hulyo a-18.

Isinagawa ang general voters registration sa rehiyon matapos ipawalang-bisa ng Kongreso ang listahan ng mga botante sa ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply