Army nakipagbarilan sa mga pulis, patay

PATAY ang tauhan ng Philippine Army habang nadakip ang kasama nang makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis kung saan isa pa ang sugatan nang tamaan ng ligaw na bala sa Navotas.

Dead on arrival si Pvt. April Joe Palad, 24, ng Old Fishport, North Bay Boulevard South sa Tondo General Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan.

Iniimbestigahan naman si Pvt. Sammy Rudio, 22 ng Aroroy, Masbate City.

Base sa ulat, dakong alas-4 ng hapon, binisita ni Rudio si Palad at nag-inuman hanggang sa hiramin ng nasawi ang baril ng una bago ipinutok ng dalawang beses.

May tumawag sa mga pulis at nang respondehan ay biglang umakyat ng bubong ang mga suspek sabay pinutukan ang mga pulis na naging dahilan upang tamaan ang kinilala lamang sa pangalang si Sanglay.

Gumanti ang mga pulis hanggang sa sumuko si Rudio na naging dahilan upang dalhin sa presinto at dalhin si Sanglay sa TGH.

Nakita naman ng mga kaanak si Palad na duguan na naging dahilan upang dalhin sa TGH.

Nag-iimbestiga na ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply