Arsobispo kay PNoy: Hirit na spy plane iurong

NANAWAGAN ang isang Catholic prelate kay Pangulong Benigno Aquino III na huwag nang ituloy ang plano nitong paghiling sa US government na magpadala ng US spy plane sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal dahil posibleng magpalala lamang umano ito ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ang pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ay reaksyon nito sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na plano nilang humiling ng US spy plane upang makapag-monitor ang gobyerno sa ating teritoryo.

Ayon kay Cruz, sa halip na makatulong ay lalo pang makadadagdag ng tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas ang paghingi ni Pangulong Aquino ng tulong sa Amerika dahil alam naman ng lahat na matagal ng may alitan ang US at China.

Iginiit pa ng arsobispo na walang ibang makareresolba sa tensyon sa Panatag Shoal kundi ang China at Pilipinas lamang.

Nananalangin din si Cruz na huwag sanang humantong sa kaguluhan ang umiinit na usapin sa Scarborough Shoal dahil tiyak na walang ibang maaapektuhan nito kundi ang mga ordinaryong mamamayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply