ASG utas, prov’l board member sugatan sa Sulu encounter

TODAS ang isang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang sugatan naman ang isang provincial board member nang magka-engkuwentro sa Sitio Bulio, Barangay Kaunayan, Patikul, Sulu.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang napatay na ASG member na si Sike Abbas habang nasugatan naman ang provincial board member na si Ismunlatip Suhiri ng Sulu District 1.

Nasugatan si Suhiri nang bumangga ang motorsiklong minamaneho nito habang iniiwasang matamaan ng mga balang ipinutok sa kanya.

Sa ulat ni Sulu police director Senior Supt. Antonio Freyra, nagsimula ang engkuwentro sa pagitan ng kanyang tropa at ng mga armadong rebelde matapos silang unang paputukan ng mga bandido.

Ayon kay Freyra, bago ito ay pinuntahan nila ang lugar kasama ang nasugatang provincial board member dahil sa natanggap na report na may plano ang rebeldeng grupo na muling mandukot ng tao.

Pero hindi pa man sila nakarating sa kanilang pupuntahan ay pinaulanan na sila ng putok ng baril ng mga rebelde.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply