Aspirante sa pagka-CJ, inaresto ng NBI

INARESTO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation ang isang nominado sa pagka-Punong Mahistratdao ng Korte suprema  dahil sa kasong tax evasion sa Green Hills, San Juan City.

Ito ang kinumpirma kngayon  ni NBI Deputy Director Ruel Lasala kung saan dakong alas 11 ng umaga kahapon ng maaresto si Atty. Vicente Velasquez  dahil sa kasong tax evasion.

Ang pagkakaresto ng CJ aspirante   ay   sa bisa ng  standing warrant of arrest  na inisyu ng Quezon City Regional Trial Court.Dagdag pa ni Lasala ginawa lamang nila ang kanilang tungkulin na isilbi nila ang mandamyento de aresto dahil si Velasquez ay may nakabinbing tax evasion case.

Nabatid na ang criminal intelligence division ng NBI ang umaresto kay Velasquez na kaagad namang nakapagpyansa ng halagang P5,000.

Bukod kay Velasquez , kasama  rin si dating Immigration Commissioner Rufus Rodriguez sa idiniskuwalipika ng Judicial and Bar Council bilang mga nominado sa pagka-chief justice makaraang mabigo ang mga ito na makatugon sa documentary requirement na kailangan para sa kanilang aplikasyon.

Ang kaso laban kay Velasquez ay nag-ugat sa hindi nabayarang buwis sa Bureau of Internal Revenue mula noong 1981 na nagkakahalaga ng P16,000.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply