Ateneo kumabig ng P500K sa women’s volleyball

NASUNGKIT ng Ateneo de Manila ang women’s volleyball event samantalang nanguna ang Cagayan sa men’s basketball sa 4th Antonio Friendship Games sa People’s Gym sa Tuguegarao City.

May apat na Thai imports sa isang linggong torneo, ang Lady Eagles ay nagwagi kontra Team Cagayan, 25-19, 25-14, 25-14, para sa titulo at premyong P500,000.

Namuno sa ex-pros sina  Marlou Aquino, Donbel Belano, Warren Ybañez at PBA D-League mainstay na si  Junar Arce, tinalo ng Cagayan Rising Suns ang team ng Iguig, 87-80, at angkinin ang korona sa men’s basketball.

Nagtulungan sina Thai players Jeng Bualee, Lithawat Kesinee, Utaiwan Kaensing at Peenbon Sukhuman kasama ang locals players na sina Jem Ferrer, Dzi Gervacio, Fille Cainglet, Gretchen Ho at Denden Lazaro sa pagdomina sa laro.

Next championship ito ng Lady Eagles nang matagumpay na maipagtanggol ang titulo sa Shakey’s V-League  noong Hunyo.

Bunga ng panalo ay napremyuhan sila ng P500,000 mula sa torneo at kabuuang P3 milyon ang premyong ipinamahagi sa naganap na friendship game.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply