Ateneo, UP, La Salle pasok sa Top 50-English speaking universities

MAPALAD na pumasok sa Top 50 English-speaking Universities sa buong mundo ang tatlong unibersidad sa Pilipinas.

Base sa isinagawang pagsisiyasat ng London-based Quacquarelli Symonds, nanguna ang Ateneo de Manila University (ADMU) sa mga unibersidad sa Pilipinas na magaling sa pagtuturo ng English at Literature sa ika-24 na pwesto.

Nakuha naman ng University of the Philippines (UP) ang ika-32 puwesto habang pasok din ang De La Salle University na nasa ika-44 na puwesto.

Habang pumuwesto sa Top 5 ang Cambridge University, Harvard University, Oxford uUiversity, Yale University at University of Berkeley.

Una nang kinilala ng Global English Corporation ang Pilipinas bilang World’s Best Country sa pagdating sa English proficiency.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply