Autopsy report hiniling ng PNR sa pagkamatay ng 2 lasing

HUMIHINGI ng pamunuan ng Philipine Natioanl Railway ang kopya ng medico legal at post mortem examination nga dalawang lalaki na namatay matapos na mahagip ng rumaragasang Bicol Express mula Naga papuntang Maynila nitong nakalipas na linggo.

Duda ang pamunuan ng PNR sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng magkaibigang sina  Jeffrey Carpo, 22, at Kenny Catuda, 23, kapwa residente ng Brgy Agropacion, Ragay, Camarines Sur.

Sinasabing kapwa lasing ang dalawa ng mahagip ng  Bicol Express ng Philippine National Railways (PNR) na may biyaheng Manila-Bicol.

Sa binigay na pahayag ni Constancio Toledano, operation manager ng PNR-Naga, sinabi nito na labis ang kanilang pagtataka sa kalagayan ng mga biktima.

Ayon sa opisyal, kadalasan ang mga naging biktima ng tren ay nalulukot ang mga katawan at ang iba ay nagkakadurog durog o bali ang mga buto.

Subalit nang matagpuan ang mga bangkay nito ay tanging tama lamang sa ulo habang ang isa nama’y naputulan ng kamay.

Samantala, ayon naman kay P02 Roberto Ferrer ng PNP Ragay sa naging pag-eksamin ni Dr. Virginia Ramirez, napag-alaman na isa sa mga biktima ang nagtamo pa ng bali ng buto sa kanyang balakang.

Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na nahagip ng dumaan na tren ang dalawa habang namamahinga sa may riles dahil sa kalasingan kamakalawa ng madaling araw.

Unaasa naman  ang pamilya ng mga biktima na matulungan sila at mabigyan sila ng ayuda  ng PNR managment.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply