Away pulitika at ang krisis sa teritoryo

GRABE ang pulitika sa mahal kong Pinas.

May away na sa mga hukuman ang mga politiko, nalululong pa sa halalan ang mga ito.

Sa kabilang banda, tila hindi nila pinapansin ang mga malalaking isyu na bumabalot na mismo sa buong Pinas.

DEMANDA AT PAGKULONG

Isa sa mga inaatupag ng mga politiko ang pagparalisa sa isa’t isa upang magiging mahina ang mga ito sa laban.

Kasama sa mga taktika riyan ang paggamit ng mga tribunal na pangkatarungan laban sa isa’t isa.

Kung nakapagsasampa ng mga kaso sa Ombudsman, Sandiganbayan at Regional Trial Court ang isang pangkat laban sa kanilang mga kalaban, hindi malayo na gagawin din ito ng iba para makaganti.

Pero yang paglumpo sa kapangyarihan ng isa’t isa ang target.

Ano nga ang laban ng isang kandidato na nakakulong o tadtad ng demanda at wala nang magawa kundi ang pumunta sa hukuman upang humarap sa mga kaso?

Kakambal nito, mga Bro, ang mga paninira sa isa’t isa sa media hanggang sa madamay sa away ang mediamen kahit neutral ang mga ito.

AGAWAN NG KANDIDATO

Nandiyan naman ang agawan ng mga kandidato ngayon pa lang.

Para sa senador, kongresman, mayor at iba pang mga mahahalal na opisyal.

Nag-aagawan ang mga pangkat o partido ng mga kandidato na pinaniniwalaan nilang winnable o malakas sa mga botante at posibleng manalo sa halalan.

Sa ibaba, target ng mga pangkat ang pagkuha ng mga kandidato na may mga command
vote.

Yun bang === sa utos ni gob o mayor, siguradong mananalo ang kanilang mga sarili at kandidato mula sa ibaba hanggang sa itaas.

Ang target ay mahahawakan ng mga nasa itaas ang lahat ng nasa ibaba para walang aangal
sa kanila.

‘Yung gumagawa ng mga agawan sa ibaba ay kumikilos upang masiguro na magiging malakas naman sila sa itaas.

PAGSALAKAY SA MGA PARTIDO

Walang Liberal Party, walang Nationalista Party,  walang Nationalist People’s Coalition, walang Laban ng Demokratikong Pilipino, walang United Nationalist Alliance at kung ano-ano pa sa kasalukuyan.

Sa salita, mayroon ang mga partidong ito.

At may mga iringan pa, kabilang na ang pagdedma sa isa’t isa kung may nagpapahaging ng pakikipagkaisa.

Pero nagaganap ang mga pagsalakay sa isa’t isa.

Aanhin mo nga naman ang iyong kandidato na kasimbaho ng burak sa mga botante.

Yun bang === kumpleto ng tao at rekado, kabilang na ang mga watcher pero nasi-zero pa rin sa halalan.

Kahit magpakawala pa ng mga bayong-bayong na pera sa vote buying, hindi pa rin kinakagat ng mga botante.

Lalo na ngayong uso na ang halalang dinaraan sa PCOs.

PRIVATE-PUBLIC NA ARMY

‘Yung iba, bumubuo o nakabuo na ng mga armadong puwersa o kaya’y bumubuo pa lang.

May mga nag-oorganisa ng mga private army pero yung iba, ang mga pulis, militar, CAFGU at Civilian Volunteers Organization naman ang itinatatag.

‘Yun bang === ginagawang private army ang mga ligal na armadong puwersa mismo ng gobyerno.

Sa nakaraang mga halalan, narinig natin ang pagpapadala ng mga malalakas na politiko para ikahon ang kani- kanilang mga kalaban.

Hindi na tuloy makapanga-ngampanya ang mga kalabang politiko dahil sa takot na totodasin sila sa mga lansangan.

‘Yung iba, nagpapadala ng mga dyip-dyip o trak-trak na pulis o sundalo o CAFGU of CVO sa mga kalaban para mamutla na lang ang mga ito at umatras bago magkaroon ng mga labanan sa mga presinto.

‘Yung iba, nakikipag-usap na lang kina San Pedro at Lucifer para paratingin sa kanila ang mga kalabang kandidato.

CHINESE GOV’T SA PANATAG

Habang nagkakagulo ang mga politiko, ano itong nabalitaan nating nagtayo na ang Tsina
ng lungsod sa Paracels, Panatag Shoal at Spratlys?

Mayroon ba sa mga politiko ang may pakialam dito at alamin kung totoo ito?

At kung totoo, ano naman ang kanilang gagawin?

Teritoryo na ng bansa ang pinag-uusapan dito kahit sa bisa lang ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

HINDI GIYERA

Siyempre pa, hindi giyera ang hanap natin dito kundi madiplomatikong paraan.

Ano-ano ang mga posibleng pakikipagkasundo na gagawin ng Pinas sa Tsina ukol sa problema?

Siyempre pa, may mga nagbibitiw na ng mga salita na hindi tayo dapat makipagkasundo.

Pero batay sa ating mga kakayanan at katwiran, ang pakikipagkasundo pa rin ang pinakamabisang paraan sa bangayang kinasasangkutan natin.

Dito natin hinahanap ang kasipagan ng mga politiko at oras nila para pagsilbihan naman nila ang buong bayan at hindi lang ang magsulong ng pansarili nila ang kanilang inaatupag.

JOINT PROJECTS

Mayaman ang mga na-sabing lugar lalo na sa langis at natural gas.

Ang sabi pa nga nila, katumbas ng deposito ng bansang Qatar na langis at natural gas ang matatagpuan sa lugar.

Kaya naman, magiging kapaki-pakinabang ang yaman ng lugar at pinakamaganda kung may pagkakasundo rito sa halip na humantong sa giyera ang lahat.

O kayong mga politiko, nasaan kayo sa usaping ito?

Sa pulitika pa rin?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply