Ayaw mainitan ang beauty: Kotse na nakatodo ang aircon nakabuntot sa batang aktor kahit saang lugar ang shooting

MATAGAL nang kinukwestyon ang pagkalalaki ng batang aktor na produkto ng isang singing contest sa telebisyon. Kapag wala raw kasi ito sa harap ng kamera at malayo sa paningin ng mga badingding na reporter ay bumibigay ito. Pakendeng-kendeng daw ito kung kumikilos at tumitikwas ang mga daliri. Feel niyang kantahin parati ang mga kantang pinasikat ng mga birit queen, katulad ni Celine Dion at marami pang iba.

Pero pagdating sa recording mala-Justin Beiber ang kanyang tirada. At kapag sumasayaw ito ay nagagaya ang mga galaw ni Billy Joe Crawford.

Kaya lang, may isang kinaiinisan ang batang aktor at ito ay ang init ng araw. May allergy yata siya rito. Hitsurang bampira nga raw ang dating nitech dahil talagang tinatakbuhan nito ang sikat ng araw. Baka malusaw s’ya, ganun? Hahaha!

Ayaw daw kasi nitong umitim at hate nya rin ang pinagpapawisan. Kaya lang sa kanyang kaartehan, kawawa ang driver niya. Kapag may location shooting daw, nakabuntot parati ang tsekot nito. To be exact, ang kanyang kotse ay nakaparada sa likod lang halos ng camera. At kapag tapos na ang isang partikular na eksena, pasok agad itetch sa sasakyan at magpapalamig-lamig. Hikhikhik!

Hindi raw iniintindi ng aktor ang presyo ng gasolina. Kesehodang naka-full tank siya araw-araw ay oks lang.

Kaya kapag take na, kailangan pang katukin ang aktor sa kanyang caru para lamang lumabas ito.

Tinatalakan daw nito ang kanyang driver kapag pinaglakad siya nang kapirasong hakbang, huh!

***

Sen. Chiz at Heart loving-loving sa isang mall sa Makati

PINAG-UUSAPAN sa internet ang pagdi-date umano nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Greenbelt 5 sa Makati kahapon. Kumain daw yata ang dalawa at magiliw silang nagkukuwentuhan habang pinagtitinginan ng mga miron. Wala raw keber ang dalawa sa mga matang nakatingin sa kanila basta sige lang daw sa kanilang heart-to-heart-talk ang dalawa. Hehehe!

Nakadalawa na sila, huh! ‘Yan ay in public, how about ‘yung patagong pagkikita kung meron man?

Sabagay, annulled na ang kasal ni Senador sa kanyang misis kaya okey nang maghanap siya ng iba.

***

Paula Bianca napansin ng PMPC dahil sa sobrang galing

PINAGPUPUSTAHAN ngayon ng mga tagahanga ni Paula Bianca kung saang kategorya siya mananalo sa nalalapit na namang pagbibigay ng  parangal ng Philippine Movie Press Club, Inc. para sa 4th Star Awards for Music na kung saan gaganapin ito sa Meralco Theater, Ortigas Ave., Pasig City sa September 9, 2012 at mapapanood sa telebisyon sa “Sunday’s Best” ng ABS-CBN, Sept. 16 under the Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino-Howard. Ito’y sa direksyon ni Al Quinn.

Sa Tatlong nominasyon ni Paula; New Female Recording Artist of The Year, Rock Album of The Year at Female Rock Artist imposibleng hindi siya manalo sa isang kategorya. Hindi ba, President Roldan Castro?

Sabi nga ng ilang katoto sa panulat, sa sobrang galing daw ng dalaga ni Papa Dhan kaya ito napansin ng PMPC at nominado pa sa tatlong category. Bibihirang mangyari ito sa isang baguhan.

Anyway, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng PMPC at Airtime Marketing Inc. ang bonggang pagtatanghal nang sa ganu’n ay lalong maengganyo ang mga nasa larangan ng musika sa paggawa ng mga awiting OPM (Original Pilipino Music) na kanilang ilalahok sa music awards sa mga susunod na taon.

Para sa kaalaman ng buong music industry, lalong pinalaki ang Star Awards for Music dahil nagdagdag ng kategorya ang PMPC para sa Concert of The Year, male and female Concert Performer of the Year, Duo/Group Concert Performer of the Year.

“2009 nang ipanganak  ang Star Awards for Music na kung saan ay dumaan kami sa butas ng karayom para masimulan ito. Para naming itong anak na nakikitang lumalaki at ngayon ay mapapanood na sa isang malaking network,” deklara ni Pangulong Roldan Castro at tinaguriang ama ng  Star Awards for Music.

May gagawaran din na labindalawang alagad ng musika na may hits at gumawa ng pangalan at karangalan sa iba’t ibang parte ng Pilipinas at maging sa ibang bansa. Si Jose Mari Chan naman ang tatanggap ng Lifetime Achievement Award.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-ext sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply