Ayaw patulan ang ka cheap-an!

ALMOST two years na ring kasal si Robin Padilla pero wala pa silang anak ni Mariel Rodriguez. Gustung-gusto na raw talaga ni Mariel na magkaroon ng baby sa Bad Boy ng Pinoy showbiz.

“Talaga bang hindi tayo mag-aanak? Medyo kinompro ako nun. Sabi ko, ‘Puwede bang hindi?’, pero sa ngayon, mag- enjoy muna tayo. Hanggang kelan yang enjoy na yan?’ Sabi ko malapit na yun. Ikaw naman!,” kuwento ni Binoe nang makatsikahan sa taping ng ‘Toda Max’ ng ABS CBN tuwing Sabado pagkatapos ng X Factor Philippines.

Bukod sa ini-enjoy pa ni Robin na silang dalawa lang muna ni Mariel ang pagta-travel, nag-aalangan din daw siya na mahati ang atensyon ni Mariel pag may baby na sila.

“Wala na hindi na ako papansinin nun pag nagkaroon ng anak yun. Patay na. Maghahanap na lang ako ng ibang mag-aalaga sa akin,” pagbibiro ni Robin.

–0o0–

“ANO ba naman yan? Sasagutin ko ba talaga ang tanong na yan? Nakakailang for me na sagutin ang ganyang question,” diretsong tugon ni Angel nang tanungin ng press na dumalaw sa taping ng ‘Toda Max’ kung totoong sinamahan n’ya diumano ang boyfriend niyang si Phil Younghusband na magpa-circumcise sa isang hospital kamakailan.

Hindi aware si Angel na may balitang lumabas tungkol sa ‘tuli’ issue ni Phil.

Ano naman ang masasabi niya sa pag-amin ni Phil na officially on na sila nu’ng May 27.

“Umamin na rin naman ako. Nauna lang siyang umamin kasi siya yung naunang na-interview tungkol sa relasyon namin,” sey pa niya.

Tsuk!

–0o0–

RAMDAM ang kilig at chemistry nina Jodi Sta. Maria at Richard ‘Papa Chen’ Yap sa kanilang kauna-unahang pagbibidahan nilang teleseryeng “Be Careful With My Heart” na mapanonood na simula sa Lunes (Hulyo 9) sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN, bago ang It’s Showtime.

“Espesyal sa akin ang ‘Be Careful’ dahil ito ang unang seryeng bida ako. First time ko din na makakasama si Richard,” kuwento ni Jodi, na gaganap sa kwento bilang si Maya, ang probinsyanang gagawin ang lahat upang makamit ang pangarap na maging stewardess at maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.

“Sa palagay ko ang ABS-CBN ay walang takot na sumubok ng mga bagong bagay. Simula sa casting, sa istorya, hanggang sa timeslot, bago dito,” ani ni Jodi na kung saan ay kasama rin niya sina Gloria Sevilla, Sylvia Sanchez, Divina Valencia, Robert Ortega, Jerome Perez, Janella Salvador, at Mutya Orquia.

Bukod  sa seryeng ito, may bagong movie rin si Jodi na pang-best actress ang dating. Ito ang “Migrante” na pagsasamahan nila ni Allen Dizon under Direk Joel Lamangan. Gagampanan niya ang isang abused OFW kung saan ay nag-shoot sila sa Holy Land.

”Nang malaman ko na si Direk Joel Lamangan ang direktor ng Migrante, hindi talaga ako nagdalawang isip gawin ito, tapos OFW advocacy film siya at sa Holy Land ang shooting. I got so excited kasi pag hinawakan ka raw ni Direk Joel siguradong pipigain ka niya nang husto sa pagiging actor-director plus the fact halos lahat ng naidirek niya including Allen Dizon na partner ko sa film ay naipanalo niya ng acting award sa mga award giving bodies. Dream come true rin sa akin ang makapunta sa Holy Land, kahit ngarag ang shooting I got the chance to go to holy places such Garden of Gethsemane, Jerusalem, Nazareth, Damascus gate, Via Dolorosa (kung saan nagpasan ng krus si Jesus Christ), Bethlehem, Sea of Galilee, Dead Sea at marami pang iba. Music video at trailer pa lang ng movie kinikilabutan na ako. I’m so proud I’m part of this film and it’s one of my best role so far,” proud na pagkukuwento ng young actress.

Inamin rin ni Jodi na tumindi ang kanyang social awareness after doing the film partikular na ang isyu tungkol sa pinagdaraanan ng mga kababayan nating mga OFW. Katunayan sinusuportahan niya ang campaign for justice ng OFW na si Terril Atienza na dinaluhan nila ni Allen Dizon ang press conference noong nakaraang Hunyo.

“Halos pareho ang pinagdaanan ng karakter ko sa Migrante at ni Terril Atienza. Sobrang sakripisyo ang kanyang pinagdaanan at pati buhay binuwis niya sa pangarap na maiahon ang pamilya sa kahirapan. Naniniwala na ako na may foul play na nangyari sa kanyang pagkamatay sa Mongolia. Sana lahat ng sector ng lipunan ay magkaisa lalo na ang gobyerno sa paghahanap ng hustisya sa mga tulad ni Terril. Very emotional ako kasi isa rin akong ina at wala akong hindi gagawin para sa aking anak…” dagdag ni Jodi.

Inuulan siya ng intriga dahil sa mga patama ng sexy starlet na si Iwa Moto.

”Eversince ang buhay ko ay pribado at hiwalay sa showbiz. Hindi ko papatulan ang mga ganyang intriga na hindi dapat pag-aksayan ng panahon. Mas gugustuhin ko pa pag-usapan ang OFW problems at pag-suporta ko sa awareness campaign para bigyan pansin ang problema na kinahaharap nila. It’s sounds heroic pero minsan dumadating talaga sa buhay mo na hindi pera-pera lang ang buhay, naghahanap ka rin ng kabuluhan, hindi para sa sarili mo kundi para sa kapwa mo at sa bayan…” pagwawakas ng mahusay na aktres.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply