B-Meg at RoS mag-uunahan sa Game 3

TABLA ang serye sa 1-1 at asahang mababasag ito bukas ng gabi sa Game 3 ng PBA Governors Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Inangkin ng Rain or Shine Elasto Painters ang Game 1 habang hinablot ng B-Meg Llamados ang Game 2 kagabi.

Lumiyab ang ulo ni Llamados coach Tim Cone sa unang serye ng kanilang best-of-seven finals dahilan upang ibato nito ang monobloc sa gitna ng basketball court.

Na technical si Cone  dahil walang tawag ang mga referees matapos mamisikal ang mga Elasto Painters at natalo ang kanyang koponan, 80-91.
Bago ang game 2 ay nagpahayag ng mensahe sa Cone na sasabayan nila ang pamimisikal ng Elasto Painters at nakabawi ang Llamados noong Miyerkules ng gabi, 85-80.

Sinamantala rin ng B-Meg ang pagkawala ni Elasto Painter rookie Paul Lee may 2:26 minuto na lang ang nalalabi sa final canto.

Hinampas ng kaliwang kamay ni Lee ang bola habang hawak ito ni Llamados guard PJ Simon na naging dahilan ng pamimilipit ng balikat ng una.

Muling aasahan ni Cone ang kanyang pambatong si two-time MVP James Yap, import na si Marcus Blakely at beteranong si Simon.

Ayon kay coach Yeng Guioa na kukuha ng lakas kay best import Jamelle Cornley, kahit wala si Lee ay pipilitin nilang makuha ang serye na ito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply