Babaeng naglaslas ng tiyan, kinasuhan ng aborsyon

KINASUHAN na ng Manila Police District-Homicide Section ng kasong paglabag sa Article 256 o Intentional Abortion ang babaeng naghiwa ng kanyang tiyan  at sapilitang inilabas ang kanyang sanggol sa sinapupunan noong Hulyo 5 sa Sta.Mesa ,Maynila.

Ayon kay Senior Inspector Joselito De Ocampo ng MPD Homicide Section, iimbestigahan din nila ngayong araw ang dalawang kasambahay na posibleng kasabwat ng ginang sa kanyang pagpapaanak sa kanyang sarili sa pamamagitan ng ceasarian.

Matatandaan na nilaslas ng babae ang kanyang tiyan nang may 10 hanggang 15 centimeter bago nito hinugot ang sanggol na tinatayang nasa 8 hanggang 8 buwan .

Nang matuklasan ito ng kanyang kamag-anak ay agad siyang isinugod sa ospital subalit ang sanggol ay namatay din.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng MPD ang krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply