Babaeng nagtutulak ng droga, dumarami – PDEA

NAALARMA ang Philipine Drug Enforcement Agency sa lumolobong bilang ng mga babaeng nasasangkot sa iligal na droga partikular ang pagtutulak nito sa ibat-ibang panig ng bansa.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. tierrez, Jr., sa record ng ahensiya may 213 babaeng nahuli mula Enero 2012 hanggang sa kasalukuyan, kabilang dito ang 135 ang pushers, 51 ang nahulihan ng droga, 16 ang gumagamit, 4 ang nagmamantine, 5 ang nag-susuply, dalawa ang kasabuwat sa iligal na droga.

Kamakailan lamang, may tatlo pang mga kababaihan ang nahuli ng PDEA sa magkakahiwalay na buy bust operations.

Nito lamang July 7, 2012, isang 37 anyos na biyuda na kinilalang si Aida Bayao,at kapatid na si Januddin Bayao ang nadakip ng pinagsanib na puwersa  ng mga tauhan ni Dir. Aileen Lovitos ng PDEA Regional Office at Philippine National Police (PNP) at Philippine Army (PA) sa isinagawang operasyon sa bahay nila sa Magulang, Maitum, Sarangani Province..

Nasundan ito sa pagkakadakip ng isa pang babae na si Epifania Limatog, 50 na taga ikot ng mga tauhan ni Dir. Jigger Montallana ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO7) sa kanilang bahay sa Luna Street, Barangay Mabolo, Cebu matapos bentahan ang PDEA poseur-buyer at mahulihan pa ng karagdagang  21 plastic sachets ng shabu.

Sa  Digus City, Davao del Sur, nadakip naman ng mga tauhan ni Dir. Emerson Rosales ng  PDEA Regional Office 11 (PDEA RO11) si  Cherry Mae Perez, 25 anyos  sa isinagawang  buy-bust operation.

Nahaharap sila ngayon sa paglabag sa Sec. 11 at 12 at Sec. 5 ng RA 9165 .

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply