Backhoe operator sa Maguindanao massacre muling nagisa sa pagdinig

ISINALANG muli kaninang umaga ng Quezon City Regional Trial Court (QC-RTC) sa pagdinig ang backhoe operator na ginamit sa paghuhukay ng lupa para ilibing ang 58 katao kabilang ang mahigit sa 30 miyembro ng Fourth estate sa Maguindanao massacre.

Pero matapos ang dalawang oras na pagtatanong ng defense panel, pansamantalang itinigil muna ni QC-RTC Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pagsasalang sa witness stand kay Efren Macaranas nang biglang tumaas ang blood pressure nito.

Pero bago ito pinagpahinga, pinaalalahanan naman agad ni Judge Solis-Reyes si Macaranas na huwag itong makikipag-usap sa mga abogado ng prosekusyon para walang maging problema.

Habang isinusulat ang balitang ito, nakakasa namang isailalim ngayong hapon si Macaranas sa isang cross examination ng prosecution panel na bagay na inayunan nito.

Sa kanyang testimonya, inamin ni Macaranas na siya ang nagmaneho ng Komatsu backhoe na ginamit sa paghuhukay at paglibing sa mga biktima at kanilang mga sasakyan noong Nobyembre 23, 2009.

Bilang pagpapatunay, ipinakita pa ni Macaranas sa korte ang susi ng nasabing backhoe na hindi naman nito ipinaliwanag kung bakit hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin ang nasabing matibay na ebidensya.

Dagdag pa sa salaysay ng testigo, tatlong araw bago nangyari ang karumaldumal na pagpatay, ipinarada niya ang nasabing backhoe sa isang gas station na pag-aari ni Andal Ampatuan, Jr., isa sa mga pangunahing suspek sa krimen pero dahil biglang sumama ang pakirmadam ay hindi na naituloy pa nito ang iba pang detalye sa nasabing masaker.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply