Bading nilasing, pinaholdap ng amiga

NILASING muna bago pinaholdap ng isang bading ang kanyang amigang bakla sa Malabon City kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Emynick Soriano, 24 ng Tabing Dagat, Daanghari, Navotas.

Nadakip naman si Eric Trinidad, alyas Rica, habang pinaghahanap naman sina Jayvee Gasa; Gary Enriquez; alyas Fervic at Jaybee Bayag pawang ng San Agustin, Malabon City.

Sa ulat, inayang mag-inuman ni Rica ang biktima sa kanilang lugar kasama ang iba pang kaibigan.

Dakong alas-2:00 ng madaling araw, pagkatapos ng inuman ay inihatid pa ng mga suspek ang biktima sa sakayan.

Habang nasa daan, tinutukan ng mga suspek ng baril at patalim ang biktima bago kinuha ang dalang bag na naglalaman ng $2,000 at cellphone bago nagsitakas.

Nagsumbong naman sa mga pulis ang biktima at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Rica habang nakatakas ang mga kasama dala ang mga nakulimbat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply