Bading sa Senado ibinuking ni Sen. Angara

HINDI man matukoy nang lantaran, sinabi ni Sen. Edgardo Angara na may miyembro ng third sex o bading sa Senado.

Bigo naman si Angara na linawin kung ang baklang senador na kanyang tinutukoy ay  miyembro ng kasalukuyang Senado o noong nakalipas pa.

Naging panauhin si Angara sa Gandang Gabi Vice nitong Linggo ng gabi kung saan humanga ang senador kay Vice Ganda dahil hindi lang daw itong magaling na komedyante, puwede rin itong maging senador.

“Kung saka-sakaling maging senador ako, ako ba ang kauna-unahang baklang senador?” tanong ni Vice Ganda.

“Palagay ko hindi,” sagot naman ni Angara.

Kinulit naman ng host ang senador na banggitin ang pangalan ng baklang senador subalit todo-tanggi ang mambabatas na sabihin ito sa programa.

“Yan ang mahirap sabihin sa publiko,” diin ni Angara.

Nanindigan na ang ilang senador na walang masama kung makapag-enroll ang mga bakla sa PMA, makapasok sa PNP at AFP, basta’t ang mahalaga ay susunod sila sa mga alituntunin at hindi aastang mga bakla sa training at pagtatrabaho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply