Bagets utas sa banggaan sa Zamboanga, 2 pa sugatan

TODAS ang 14-anyos na binatilyo habang sugatan ang dalawa niyang backrider nang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa highway ng Barangay Tumaga sa Zamboanga City.

Kinilala ang namatay na si Bladimir Buenbrazo, high school student at residente ng Barangay Tugbungan.

Nanatili namang nasa kritikal na kondisyon ang dalawang backrider na sina Jovi Manalo, 14, at Rhona Brillantes, 16.

Ayon sa ilang mga residente na nakasaksi sa aksidente, mabilis ang takbo ng motorsiklo at nawalan ng kontrol hanggang sa bumangga sa pader na semento sa tabi ng kalsada sa lugar.

Wala rin aniyang mga suot na helmet ang mga biktima na lalong nagpalala sa dalawa na nagtamo ng matinding sugat sa ulo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply