Bago sumakabilang buhay: Dolphy nais umuwi ng bahay

PUMANAW na si Dolphy (Rodolfo Vera Quizon Sr. in real life) kagabi sa ganap na alas-8:34, sa Makati Medical Center due to multiple organ failure secondary to complications brought about by severe pneumonia, chronic obstructive pulmonary disease and acute renal failure.

Bago pumanaw ang Comedy King, nagparamdam na itong gusto nang umuwi. Sa bawat buka ng kanyang bibig ay lagi umano nitong sinasabing ‘bahay’. Gayunman, dahil sa pabago-bagong kondisyon ng kanyang kalusugan ay hindi siya pinayagang makauwi ng kanyang bahay. Pumanaw siya sa edad na 83, at magce-celebrate sana siya ng kanyang ika-84 birthday sa July 25.

Marami naman ang nagulat lalo na ang mga anak ni Mang Dolphy dahil sa kanyang biglaang pagpanaw.

Inaasahan nilang pagaling na ang Hari ng Komedya pero nagulat na lang sila sa pangyayari. Maging si Erik Quizon na abala sa pagso-shoot ng Enchanted Garden sa Bataan para sa TV5 ay napahangos papunta sa MMC.

Nung ibalita sa ABS-CBN ang pagyao ni Mang Pidol ay agad na sumugod ang sanlaksang mga tagahanga ng huli sa naturang hospital para makiramay. May mga dala-dala na silang bulaklak nang dumating, ngunit hindi naman sila makapasok sa hospital kaya sa ibabaw na lamang ng funeral service nila ito inilagay hanggang makarating ang mga labi sa Heritage Park sa Taguig.

Sa mga kaibigan at kasama ni Dolphy sa industriya, maaari rin silang pumunta sa Channel 2 dahil dadalhin dito ang yumaong komedyante mamaya.

Anyway, narito ang opisyal na pahayag ng pamilya Quizon sa pamamagitan ni Eric Quizon na tumatayong spokesperson nila:

“My father Dolphy left at 8:34 p.m. following a cardiac arrest.

“He lived a full life. He’s at rest. He’s at peace. He knew as he was going how much the country loved him. He knew how everyone was praying for him. And if he could, he would have stayed just so he could thank you personally.

“But where his spirit was strong, his body had so weakened. He had to go.

“On behalf of my brothers and sisters, on behalf of everyone who loved him, on behalf of Zsa Zsa, my brother, Ronnie, my sister Dona, my sister Kit, we all thank you from the bottom of our hearts.

“Pray for his eternal repose and in his honor, please smile at the person standing next to you.

“Heaven is a happier place with him there. And for us whom he’s left behind, comedy is dead, but long live comedy.”

***

AGAD naging global news ang pagpanaw ng Comedy King dahil sa updated reports ng New York Times, CNN, at Fox News. Bumuhos din ang pakikiramay sa mga social network site at naging top topic trending ito.

Maraming mga fans na sa iba’t ibang panig ng mundo ang gustong umuwi ng Pilipinas para lamang sulyapan sa huling sandali ang kanilang idolo. Hinihintay na lang ng lahat ang announcement para sa public viewing.

***

NARITO naman ang statement ni Pangulong Noynoy Aquino: Mabuting tao si Dolphy, at kinatawan niya ang karaniwang Pilipino: malalim magmahal, masayahin, may respeto sa kapwa, at handang harapin ang mga hamon ng tadhana. Nagmula siya sa isang henerasyong dumaan sa maraming pagsubok— at sa pakikipagsapalaran ay natutong maging mapagpakumbaba, matapat, at matulungin. Hindi kailanman niya tinalikuran ang mga kaibigan, at ang sambayanang naging bukal ng kanyang mga tagumpay.

Sa loob ng mahabang panahon, ipinakita sa atin ni Dolphy na anumang pagsubok ay may katuwang na pag-asa at ligaya; mulat siyang anumang problema ay mapangingibabawan ng positibong pagtanaw sa kapalaran. Binago niya hindi lamang ang kanyang industriya, kundi maging ang pambansang kamalayan: sa pamamagitan ng kanyang sining, pinalawak ni Dolphy ang ating pananaw, at binigyan tayo ng kakayahang suriin, pahalagahan, at hanapan ng ngiti ang mga pang-araw-araw na pangyayari sa buhay ng bawat Pilipino.

Nakikiisa ako at ang aking pamilya, sampu ng ating mga kasamahan sa gobyerno, sa pagluluksa ng Pamilya Quizon ngayong gabi. Ang pagpanaw ni Rodolfo Quizon Sr.—ang nag-iisang Hari ng Komedya—ay tiyak na nagdudulot ng lumbay sa isang bansang matagal niyang pinasaya.

***

SIR No. 1 Saturday showbiz talkshow ng bansa

LALONG minamahal ng TV viewers ang trending Saturday showbiz-oriented talkshow ng ABS-CBN na “Showbiz Inside Report” (SIR). Patunay dito ang patuloy na pamamayagpag sa nationwide TV ratings ng programa base sa datos ng Kantar Media.

Noong Sabado (Hulyo 7), humataw ang “SIR” ng 8% national TV rating kumpara sa nakuhang 6.5% ng katapat nitong programa sa GMA na “Startalk.”

Tampok sa nasabing episode ang malalimang pagkilala ng tatlo sa pinakapinag-uusapang showbiz personalities ngayon na sina Dawn Zulueta, Andi Eigenmann, at Aiza Seguerra.

Marami ang na-inspire sa mga napagtagumpayang pagsubok ng tatlo– si Dawn, sa mapanuring mata ng showbiz; si Andi, sa pagiging single parent at pagbabalik-showbiz; at si Aiza, sa paninindigan sa kanyang tunay na kasarian.

Muling samahan ngayong Sabado (Hulyo 14) sina Carmina Villaroel, Janice de Belen, Joey Marquez, at Ogie Diaz sa isa na namang masusing pagkilala sa tunay na pagkatao ng mga pinakamalalaking artistang laman ng headlines ngayon. Huwag palampasin ang trending Saturday entertainment talkshow ng ABS-CBN, “Showbiz Inside Report,” tuwing 2:30 ng hapon, pagkatapos ng “It’s Showtime.”

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply