Bagong EO sa pagmimina pag-aralang mabuti

NAGBABALA si House Minority Leader Danilo Suarez na makompromiso ang administrasyong Aquino kaugnay sa inilabas na executive order ukol sa pagmimina sa bansa.

Pinayuhan ng mambabatas si Pangulong Benigno Aquino na timbanging mabuti ang inilabas na Executive Order.

Sinabi ni Suarez na makabubuting tantyahin muna ang sitwasyon at kung ano ang posibleng maging resulta nito.

Bagama’t nakatitiyak aniya ng malaking kita ang gobyerno ay dapat maging malinaw ang probisyon sa EO bago payagan ang isang mining firm sa eksplorasyon sa likas na yaman ng bansa.

Giit pa ni Suarez, mababalewala ang anomang kikitain ng pamahalaan sakaling magkaroon ng aberya dulot ng iresponsableng pagmimina.

Mahalaga rin na masiguro ang rehabilitasyon ng lugar matapos ang pagmimina kung kaya dapat na konsultahin dito ng gobyerno ay ang mga local na opisyal.

Sa ganitong paraan ay higit na matututukan sakaling may paglabag sa panuntunan ng pagmimina ang isang mining firm.

Sinabi ni Suarez na mula noon ay tutol na siya sa probisyon ng Mining Law na kailangang mabawi muna ng isang mining firm ang capital bago sila magbigay ng share sa gobyerno.

”Hinde ako kumporme sa aantayin mo munang ma-recover nila yung capital bago sila magbigay ng share sa gobyerno. Let’s say na sabihin nila (mining firm) na hinde namin na-recover then you have done damage to the environment, papaano yung rehab?”

Mungkahi pa ni Suarez na kailangang maging malinaw ang responsibilidad ng mining firm, ng local at national government bago pa man magkaroon ng implementasyon sa inilabas na EO.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply