Bagong HDO inihain vs CGMA at iba pa

NAGLABAS na naman kaninang umaga ng hold departure order (HDO) ang Sandiganbayan First Divison laban kina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at iba pang sangkot sa kasong plunder kaugnay ng pagwaldas ng pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Umaabot kasi sa P366 million ang hindi maipaliwanag na paggastos ng nasabing pondo na sinasabing ginamit sa mga kandidato noong nakaraang administrasyon.

Si Arroyo ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa VMMC dahil sa kasong electoral sabotage noong 2007 elections.

Maliban kay Arroyo, kasama rin sa reklamo sina dating PCSO vice chairman at general manager Rosario Uriarte; dating PCSO chair Manoling Morato; Sergio Valencia, dating chairman of the board; Jose Taruc V, Raymundo Roquero at Fatima Valdes; Benigno Aguas, dating PCSO budget and accounts manager; Reynaldo Villar, dating chairman ng Commission on Audit (COA) at Nilda Plaras, dating pinuno ng Intelligence Fund audit unit ng COA.

Una rito, sa 4-pahinang information na pirmado ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, tinukoy ng tanodbayan na isa itong paglabag sa Section 2 ng Republic Act 7080.

Ang usapin ay inihain nina Risa Hontiveros, Bureau of Customs (BoC) Deputy Commissioner Danilo Lim at Jimmy Regalario.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply