Bagong leading-lady, bagong pag-ibig?

DAHIL sa mga lumabas na photos sa internet kung saan makikitang sweet sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, nagkakaroon tuloy ng isyu lately na nagkakagustuhan na ang dalawa lalo pa’t bago ito, naging usap-usapan din ang tungkol sa magkasamang panonood nila ng premiere night ng “Boy Pick Up” a couple of weeks ago.

Paglilinaw naman ni Richard, kuha ang mga larawan na ‘yon nang magpaturo siya kay Sarah tungkol sa Instagram na siyang bagong uso ngayon sa internet.

“A… ‘yon? Wala ‘yon!” natawang sabi ng aktor. “Kasi sa taping ng Makapiling Kang Muli, we work all day and late hours. Minsan walang magawa so… nagpaturo akong mag-Instagram kay Sarah. At ngayon, I’m part of this social networking na Instagram.

“It’s cool. I mean… it’s fun. Oo. Gusto ko ‘yong Instagram dahil may visuals. Nakakatuwa siya.”

Naglabasan din sa mga diyaryo ang mga litrato nilang ‘yon ni Sarah. At maraming nagsasabi na mukhang bagay naman daw sila if ever na mangyari ngang nagkakagustuhan na sila. Nabibigyan na nga ng kulay ang closeness nila ngayon.

“Uhm… siguro dapat huwag munang bigyan ng kulay. Siyempre kami ni Sarah, we’re just having fun. And ngayon, nagtatrabaho kami together at talagang naging close kami. So… ‘yon muna.”

Pero hindi naman itinanggi ni Richard na ina-admire nga raw niya si Sarah. “Siyempre naman. Si Sarah, she’s very talented and very passionate about her craft. At mararamdaman mo talaga na gusto niyang mag-improve and she’s very fun to be with.”

Happy raw si Richard sa magandang rating at feedbacks para sa Makapiling Kang Muli kung saan leading ladies niya sina Sarah at si Carla Abellana. Madali raw silang nagkaroon ng bonding. “Masaya kami sa set. Well-bonded na ‘yong grupo. At siyempre, kapag kasama mo ‘yong mga taong ‘yon, four times a week na buong araw, talagang magiging close kayo. Makikilala ninyo ang isa’t isa.

“So… nagkakaroon na kami ng bonding. At gumimik na rin kami. A few times, lumabas na rin kami. For good camaraderie lang. Nagmu-Muai Thai rin kami. Nagti-training kami. And also…horse back riding. Tuloy-tuloy lang yong mga gano’ng ginagawa namin. Yes. Oo.”

“Kasi siyempre kapag nagti-taping kayo, kayo-kayo ang magkakasama. ‘Pag may free time kayo, parang kayo-kayo lang din.

“So… tuloy-tuloy ‘yong trabaho. At saka ang laki ng rancho na location namin. Ang daming puwedeng gawin,” sabi pa ni Richard.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply