Bagong plunder case pinasususpinde ni GMA

HINILING ngayon ng kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Sandiganbayan na ihinto ang pagdinig ng plunder case na isinampa laban sa kanya at pagpapalabas ng arrest warrant.

Isang mosyon ang inihain ng mga abogado ni GMA mula sa law firm na Diaz, Del Rosario and Associates na humihiling sa anti-graft court na suspendihin ang pagdinig sa panibagong kasong plunder na isinampa ng Office of the Ombudsman kahapon, Hulyo 16.

Ipinunto ni Arroyo na may karapatan pa rin umano siyang maghain ng apela sa resolusyon ng Ombudsman.

Sinabi pa ng mga abogado ni GMA na wala pa raw silang natatanggap na kopya ng resolusyon, at sa katunayan ay sa media lamang nila nabalitaan na may panibagong plunder case na inihain laban sa dating Pangulo.

Kahapon, nagsampa ang Ombudsman sa Sandiganbayan ng kasong pandarambong laban kay Arroyo at mga dating opisyal ng PCSO at Commission on Audit dahil daw sa maling paggamit ng intel funds sa pagitan ng January 2008 hanggang June 2010.

Ang kaso ay base sa reklamo nina Dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel, retired Brig Gen. Danilo Lim at Atty. Jaime Regalario ng Kilusang Makabayang Ekonomiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply