Bagong plunder case vs GMA nai-raffle na

NAPUNTA sa First Division ng Sandiganbayan ang panibagong plunder case laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay ng umano’y paglustay sa P365.10 million intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa ngayon, hinihintay na lang kung kailan maipagpapatuloy ang hearing ng naturang kaso.

Nag-ugat ang kaso ni Ginang Arroyo sa umano’y maanomalyang paggamit ng dati niyang administrasyon sa pondo ng PCSO para sa 2010 elections.

Bukod sa dating Pangulo, kinasuhan din ng Ombudsman sina PCSO ex-Chairman of the Board Sergio Valencia, ex-General Manager Rosario Uriarte, ex-Board Member Manuel “Manoling” Morato, Jose Taruc V, Raymundo Roquero, Maria Fatima Valdez at ex-Account Manager Benigno Aguas.

Ang naturang kaso ni dating Pangulong Arroyo ay isang non-bailable offense.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply