Bagsik ng Red Lions tatapatan ng Blazers

UMIINIT ang labanan sa 88th NCAA men’s senior basketball tournament dahil tatlong eskuwelahan ang nag-aagawan sa top spot ng team standings.

Magkasalo ang erstwhile leader Jose Rizal University Heavy Bomers, Perpetual Help Altas at last year’s runner-up San Sebastian College Stags tangan ang 3-1 win-loss slate at ngayong hapon ay pakay ng defending champion San Beda College Red Lions na makisingit sa kanila.

Binabalak sagpangin ng Red Lions ang ikatlong panalo sa apat na laro kontra sa determinadong College of Saint Benilde Blazers sa 4 ng hapon bukas na gaganapin sa The Arena sa San Juan.

Galing sa masaklap na pagkatalo ang San Beda ng paiyakin sila ng Altas, 87-88 sa overtime period habang naipanalo naman ng Blazers sa kanilang huling laro laban sa host Letran Knights, 77-60.

Kukuha ng tapang ang Red Lions kina center Kyle Pascual at Baser Amer na siyang tumarak ng OT game habang kay ace player Carlo Lastimosa huhugot ng lakas ang Blazers.

Maghaharap naman sa second game ang Mapua Cardinals at Knights sa 6 ng gabi.

Nasa fifth to sixth places ang Cardinals at Blazers na may 2-2 record habang lubog sa 1-3 panalo-talo karta ang Knights.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply