Bagyong Ferdie nananalasa; storm signal itinaas sa ilang lalawigan

PATULOY na pinag-iibayo ng bagyong Ferdie ang Hanging Habagat na siyang nagpapaulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

Dahil dito, pinapayuhan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ang maliliit na sasakyang pandagat na huwag maglayag sa seaboards ng Central at Southern Luzon dahil sa pinagsanib na epekto ng bagyo at Habagat.

Sa monitoring ng PAGASA, bahagyang bumilis ang bagyong Ferdie habang kumikilos sa may Balintang Channel.

Huling namataan dakong alas-siyete ng umaga ang sentro ni Ferdie sa layong 90 kilometro (km) Hilaga Hilagang Kanluran ng Laoag City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna habang kumikilos pa-Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 13 kilometro kada oras.

ILang lalawigan naman ang inilagay sa storm signal number 1 na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Isabela
Cagayan
Calayan
Babuyan Group of Islands
Batanes Group of Islands
Kalinga, Apayao
Abra
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Mt. Province

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply