Bagyong Gener lumalakas

LUMALAKAS ang Bagyong Gener at lumalaki ang bantang panganib sa dulong Hilagang Luzon.

Ito ang ulat kaninang alas-5:00 ng hapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na namataang ang sentro ay nasa layong 380 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ni Gener ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometro kada oras (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 120 kph habang kumikilos pa pa-hilaga, hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Tinatayang nasa 190 km hilagang silangan ng Basco, Batanes Lunes ng hapon ang bagyo.

Nakataas ang signal No. 2 sa Cagayan kabilang ang Calayan at Babuyan Group of Islands gayundin ang Batanes Group of Island.

Signal no. 1 naman sa Isabela, Kalinga at Apayao.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply