Bagyong Gener, nananatiling malakas habang kumikilos pa-Taiwan

NAPANANATILI ng bagyong Gener ang kanyang lakas  habang kumikilos patungong-hilaga Hilagang Kanluran ng Taiwan .

Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sentro ng bagyong Gener sa layong 180 kilometro sa Silangan-hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang pinakamalakas na hangin na umaabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugso na 150 kilometro kada oras habang kumikilos sa bilis na pitong kilometro kada oras.

Nananatili pa ring nakataas ang babalang bagyo bilang tatlo sa Batanes Group of Islands, signal no. 2 sa Cagayan, kasama ang Calayan at Babuyan Group of Islands. Nakataas pa rin ang signal no. 1 sa Isabela, Kalinga at Apayao.

Inaasahang magbubuhos ang bagyong Gener ng 10 hanggang 20 millimeter per hour na dami ng tubig sa mga lugar na nakapaloob sa 700 kilometer o diameter ng bagyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply