Bagyong ‘Gener’ signal No. 3 na sa Batanes

LUMAKAS pa ang hambalos ng bagyong Gener habang patuloy ang pananalasa sa dulong hilagang Luzon.

Sa pinakabagong weather bulletin ng Pagasa, itinaas na sa signal no. 3 ang bagyo, taglay ang maximum sustained winds na 120 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at may pagbugsong umaabot ng 150 kph.

Huling namataan ang typhoon Gener sa layong 260 km sa silangan ng Basco, Batanes.

Nasa signal No. 2 naman ang Cagayan, Calayan Group of Islands at Babuyan Group of Islands habang nasa storm signal No. 1 ang mga lalawigan ng Isabela, Kalinga at Apayao.

Tinatayang sa Huwebes pa makakalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyo.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply