Bahay ng suspendidong mayor, pinasabugan

PINASABUGAN ng grenade launcher  at niratrat ng bala ang tahanan ni suspended Mayor Hadji Akmad Ampatuan sa Datu Salibo,  Shariff Aguak, Maguindanao.

Matapos ang pagsabog ay nasundan ito ng mga putok ng baril ng mga di pa kilalang suspek ang mga guwardiya ni ex-Mayor Ampatuan.

Ayon kay Engr. Datu Maruf Ampatuan, anak ni Mayor Ampatuan, wala namang nasugatan sa pagsabog ngunit nasira sa pagsabog ang nakaparadang sasakyan sa loob ng compound.

Hinihinalang may kaugnayan ang naganap na pagpapasabog sa politika.

Pero hindi pa mabatid ng Shariff Aguak PNP kung sino ang nagpasabog ng bomba habang nagpapatuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng naganap na insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply