BAI handa sa Enterovirus 74 (EV-71)

HANDA ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa ipinatutupad ng inspeksyon sa mga paliparan at daungan sa bansa, kaugnay ng pagkalat ng Enterovirus 74 (EV-71) na ikinamatay ng may 60 bata sa Cambodia.

Ayon kay BAI OIC Director Rubina Cresencio, nakaalerto na ang kanilang quarantine personnel para bantayan ang mga produktong posibleng maipasok sa bansa mula sa Cambodia.

Aniya, 24 oras silang nakatutok sa mga paliparan at daungan sa bansa upang matiyak na walang makakalusot na produkto na posibleng kontaminado ng naturang virus.

Kinalampag na rin umano nila ang Department of Health (DOH) dahil sa abiso mula sa World Health Organization (WHO).

Ani Cresencio, walang dapat ikatakot ang publiko dahil kahit nanalasa ng husto noong mga nagdaang taon ang bird flu-free at foot-and-mouth disease (FMD) ay nanayiling ligtas ditto ang Pilipinas.

Ang EV-71 ay nagiging sanhi ng neurological complication o pamamaga ng utak.Nilinaw naman ng DOH na hindi isang uri ng hand, foot and mouth disease (HFMD) ang EV-71.

Ayon kay DOJ Asec. at Spokesperson Dr. Eric Tayag, neurological complication dulot ng (EV-71 ang dumapo sa mga nasawi.

Aniya, nasa bituka ang virus na nailalabas sa tuwing dumudumi ang tao.

Gayunman, isa umano itong virus na maaaring maipasa mula sa mga taong may ubo o sipon.

Nilinaw din ni Tayag na matagal nang may EV-71 sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo ngunit mild cases lamang ang mga ito.

Taon-taon umano ay may 300 hanggang 500 kasong nare-report nito sa kanila.

Aminado rin si Tayag na maaaring lumala ang EV-71 sa bansa kahit hindi makarating dito ang virus galing Cambodia.

Sakali umanong mag-mutate ito ay magkakaroon din ng neurological syndrome ang mga batang Pinoy.

Patuloy naman ang pananaliksik ng DOH kaugnay ng virus sa bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply