Bail or no bail

MARAMI ang nagulat nang pinayagan ni Hon. Judge Jesus Mupas si Ginang Gloria Macapagal Arroyo na makapagpiyansa ng one million pesos para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang pobreng judge ay tinuligsa ng katakot-takot na “bulag sa hustisya” at “nabayaran ni GMA” dahil sa kanyang desison na bigyan ng bail si GMA. Marami rin naman ang nanisi sa mga tagausig o prosecutor na palpak na humawak ng kaso at mahina ang isinalang na ebidensya kung meron man.

Hinangaan nang may pagkukutya naman ang mga defense lawyer ni GMA na magagaling nga pero bakit alam naman nila na nandaya si GMA eh dinidipensa pa? Hindi rin nakatiis si Pangulong Noynoy Aquino na ipahayag ang kanyang pagkadismaya sa nangyari. Ang resulta – “casualty” na naman ang justice system natin dahil marami ang nagtatanong kung may hustisya pa bang umiiral sa Pilipinas.

Readers, bilang abogado ay gusto kong mag-ambag at kahit paano ay magbigay-linaw sa issue na ito. Wala tayong kinakampihan sa kanila. Sa akin lang ay pangalagaan natin ang tiwala ng tao o anoman natitirang tiwala sa ating Huku-man. Ipaliwanag ng husto ang issue sa salitang mauunawaan ng taong bayan.

Sinampahan ng “electoral sabotage” case si GMA at mga kasama nito ng COMELEC at DOJ. Napunta ang kaso sa RTC Pasay City sa sala ni Judge Mupas. Pagkatapos pag-aralan ni Judge ay naglabas siya ng warrant of arrest kay GMA at ito ang ginamit na dahilan upang maaresto si GMA at hindi makaalis ng bansa. Hinangaan natin noon ang tapang ni Judge, di ba? Yun ang proseso na kapag nakita ng judge sa kasong isinampa na kailangan maglabas ng warrant of arrest, maglalabas siya. Normal procedure po ito sa criminal case.

Tanong? Tapos na ba ang kaso rito? Dahil ba rito ay forever na makukulong si GMA? Hindi po. First round pa lang yan, kumbaga sa boxing. Naaresto si GMA at na- house arrest hindi dahil sa nahatulan na siya kundi dahil sa kasong isinampa sa kanya. Wala pang desisyon sa kaso.

Ngayon, “non bailable” offense ang electoral sabotage. Ibig sabihin ay walang “bail recommended” ang prosecutor o yung nag-imbestiga sa kaso bago isampa sa Husgado. Eh bakit nakapagpiyansa? Dahil ganito po. Pag ang kaso ay “non bailable”, hindi ibig sabihin na hindi na makalalaya ang akusado.

Sa criminal procedure ay maaring mag-petisyon o hingin ng akusado sa isang Petition for Bail na payagan siyang magpiyansa at pansamantalang makalaya.

Ang petition for bail ay isang paraan upang makalaya ang akusado dahil karapatan niya ito sa ilalim ng Saligang Batas.

Malimit ang rason na ginagamit sa petition for bail ay “walang ebidensya o mahina ang ebidensya” ng tagausig sa guilt ng akusado. “That the evidence of guilt against the accused is weak.”

Ngayon, ang usual na dapat gawin ng prosecution ay palagan at i-oppose ang petisyon for bail. Dito po magkakatalo. Ang prosecution ay dapat makapagpakita ng sapat na ebidensya laban sa akusado na “evidence of guilt is strong.” Kapag walang ebidensya o kaya mahina ang ebidensya, papaboran ng husgado ang akusado at ang bail ay mabibigay para pansamantalang makalaya ang akusado.

Attorney, pag nakapag piyansa nab a, abswetto na akusado? HINDI PO! Walang sinabi ang husgado na abswetto na ang akusado. TULOY PO ANG KASO. KAYA LANG HINDI PO NAKAKULONG ANG AKUSADO HABANG LINILITIS ANG KASO.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply