Bail petition ni CGMA kinontra ng Comelec

NAKAPAGSUMITE ng 44 pahinang  memorandum ang Comelec laban sa bail petition ni Congresswoman Gloria Macapagal Arryo. sa Pasay City Regional Trialo Court (RTC)

Ayon kay Felda Domingo, tagapagsalita ng Pasay City RTC Branch 112, noong Biyernes naisumite ng abogado ng Comelec ang kanilang memorandum, araw ng deadline na binigay ng korte.

Labinsiyam na pahina naman ang sinimuteng memorandum ng kampo ni dating Maguindanao election Supervisor Lintang Bidol.

Samantala, pinadala naman ng abogado ni dating Pangulong Gloria Arroyo ang kanilang memorandum pero sa pamamagitan ito ng koreo o registered mail.

Wala pang sinusumite ang kampo ni dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr.

Sa harap nito, ayon pa kay Felda Domingo, meron man o walang memorandum na maisumite ang mga abogado ng akusado, tuloy pa rin ang pagpapalabas ng resolusyon ni Judge Jesus Mupas.

Sa pamamagitan, anya, ng memorandum, binibigyan ng pagkakataon ang panig ng akusado at ng nag-aakusa para ilatag ang summary ng kanilang mga argumento na sinasama rin ito sa pag-aaral ng hukom bago maglabas ng makatwirang resolusyon, partikular na nga ang hinahintay na resolusyon sa kahilingang makapagpiyansa ng mga akusado.

Samantala, sa August 23 na nakatakda ang unang araw ng pre-trial ng kasong electoral sabotage ni Gng. Arroyo, Atty. Bidol at Ampatuan.

Wala  pang itinakdang petsa sa pre-trial para sa kaso ni dating Comelec Commissioner Abalos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply