Baklang-bakla at sinusundo pa ng boyfriend sa gay bar!

BALIK-BIDA na naman si Jennylyn Mercado sa bagong afternoon prime na Hindi ka Na Mag-iisa na magsisimula sa July 9 kung saan ay kanyang katambal si Sid Lucero. Hindi kaya pagselosan siya ni Heart Evangelista na nali-link ngayon kay Sid?

“Huwag naman po. Alam naman ni Heart, e,” tugon ni Jen.

Baka naman si Luis Manzano ang  magselos?

“Hindi alam rin niya ‘yan at magkaibigan lang kami ni Sid. Kaibigan niya rin si Sid,” sagot ni Jen.

Mukhang maganda ang takbo ng career niya ngayon dahil hindi nababakante.

Bagamat mawawala na ang Showbiz Central ay may bago siyang serye at kasama rin siya sa Protegee. Balita ring gagawa siya ng pelikula sa Regal Films kung saan ay kasama si Lovi Poe.

“Ganoon naman po talaga, e. Siguro for a time kailangan mo muna magpahinga, mga 6 to 8 months then back to work na naman ulit. Pag nagkaroon ka naman ng work, sunud-sunod at sabay-sabay,” aniya.

Paano pa ang oras nila ni Luis sa dami ng trabaho nila?

“Naghahanap talaga kami ng time. Kahit konting time lang talaga. Si Ate Angelu (De Leon), nakita niya kaming nagdi-date. Ganun lang kami talaga pag magkasama,” sey ni Jen.

“Kunwari sa isang araw meron akong taping at konti lang naman ang eksena ko at maaga matatapos, puwede naman kaming mag-date sandali tapos uuwi na, aalagaan ko anak ko. Talagang dini-divide ko ang oras ko,” dagdag pa niya.

Ano ang reaksyon niya na mawawala na ang Showbiz Central?

“Hindi ko po talaga alam. Kanina ko lang nalaman talaga. Sinabi sa akin ng press,” tugon niya.

Tsuk!

-o0-

ALIW kami kay Divine Lee ng Juicy at Extreme Makeover Home Edition-Philippines ng TV5 dahil baklang-bakla pala ito. Bagamat alam ng lahat na sosyal at mayaman siya pero baklang-bakla pala pag kausap at hindi suplada.

Wala pa silang planong magpakasal ni Victor Basa pero aminado silang nagli-live-in na. Wala rin din daw silang anniversary. Pabiro nga niyang dream wedding niya ay nakadamit pangkasal lahat  ng mga beki niyang friends at entourage pero kakaiba ang wedding gown niya. Puwede raw ito mag-lady o Manaoag.

Okey lang ba kay Victor ‘yun?

“Basta siya lang ang pakakasalan ko,” sagot niya.

Gusto rin niya pag magka-baby na sila ni Victor ay may bahay nang matitirhan ang anak nila.

Napakamaunawain ding boyfriend si Victor at sakay niya ang trip ni Divine.

Minsan nga ay sinusundo pa niya ito sa gay bar sa Makati. Ang daming beki kasing kabigan at araw-araw na kasama si Divine.

Okey lang ba sa kanya kung bulungan din siya sa Paparazzi at tanungin ng mga maseselan?

“Normal sa akin ang mga ganoong lokohan. Ako naman ay baklang-bakla, kayang-kaya ko ang mga ganon. Araw-araw po bakla ang kasama ko, araw-araw na lang po nila ako binabastos, di ba? Balewala sa akin ‘yun,” sey niya na tumatawa.

“Sa akin po, pinili mong humarap sa kamera, maging public personality, dapat ready po ako pag tinatanong ng ganong bagay. Mas gusto ko na nga po ‘yung tinatanong na lang kesa itinatago at pinag-uusapan sa likod. At least masasagot ko pa,” aniya pa.

‘Yun na!

-0o0-

TUWANG-TUWA ang Wonder Gays dahil apat ang natanggap nilang nominasyon sa PMPC Star Awards for Music na gaganapin sa September 9 sa Meralco Theater at mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN 2 sa September 16.

Ito’y ang mga kategoryang Duo/Group Artist of the Year, Novelty Artist of the Year na kung saan ay katunggali nila si Willie Revillame, pati na rin sa Novelty Album of the year at Novelty Song of the Year na Blind Item.

Malaki ang pasasalamat ng grupong ito ng mga beki dahil naging ganap silang recording artist dahil na rin sa tulong ng kanilang kontrobersyal manager na si Lito De Guzman.

Bukod dito, paganda nang paganda ang kanilang role sa sitcom na Kapitan Awesome ng TV5 every Sunday, 2:30 pm to 3:30 pm with Empoy, Mart Escudero at Andrew E. Nagiging paborito na rin sila ni Direk Joyce Bernal kaya extended ang kanilang exposure at eksena sa naturang show.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply